Ayon kay Castro, mahalagang paghandaan ang pagbabalik sa face-to-face classes para maiwasan na rin ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak.
Dapat na isaalang-alang aniya sa bubuuing polisiya at guidelines na mayroong shortages sa mga pasilidad at mga guro, pati na rin kung kailangan bang mas mababa ang oras at araw ng klase.
Dahil boluntaryo naman sa parte ng mga estudyante at magulang ang pagbabalik sa face-to-face classes, sinabi ni Castro na kailangan linawin ng DepEd kung ito ay magiging boluntaryo naman para sa mga guro at school personnel.
Mahalaga rin aniyang siguruhin na mayroong free medical check-up, health screening, at mass testing at may kapasidad ang bawat paaralan sa panahon ng health emergencies.
Kasabay nito, nanawagan ang kongresista sa agarang pag-apruba sa kanyang inihaing House Bill No. 227 na nagre-regulate sa class size kahit walang COVID-19 pandemic.
Para kay Castro, mahalaga ang papel nang pagkakaroon ng standard class size para matiyak ang access ng mga estudyante sa kalidad na edukasyon.