DepEd dapat maghanda ng malinaw na polisiya kaugnay sa pilot implementation ng face-to-face classes

By Erwin Aguilon December 18, 2020 - 02:49 PM

Pinahahanda ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) ng malinaw na polisiya at guidelines para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes simula Enero 2021 sa mga low COVID-risk areas.

Ayon kay Castro, mahalagang paghandaan ang pagbabalik sa face-to-face classes para maiwasan na rin ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak.

Dapat na isaalang-alang aniya sa bubuuing polisiya at guidelines na mayroong shortages sa mga pasilidad at mga guro, pati na rin kung kailangan bang mas mababa ang oras at araw ng klase.

Dahil boluntaryo naman sa parte ng mga estudyante at magulang ang pagbabalik sa face-to-face classes, sinabi ni Castro na kailangan linawin ng DepEd kung ito ay magiging boluntaryo naman para sa mga guro at school personnel.

Mahalaga rin aniyang siguruhin na mayroong free medical check-up, health screening, at mass testing at may kapasidad ang bawat paaralan sa panahon ng health emergencies.

Kasabay nito, nanawagan ang kongresista sa agarang pag-apruba sa kanyang inihaing House Bill No. 227 na nagre-regulate sa class size kahit walang COVID-19 pandemic.

Para kay Castro, mahalaga ang papel nang pagkakaroon ng standard class size para matiyak ang access ng mga estudyante sa kalidad na edukasyon.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, deped, face-to-face classes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, deped, face-to-face classes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.