Comelec offices sarado sa apat na nalalabing holidays ngayong taon

Walang magaganap na voter registration sa mga tanggapan ng Commission on Elections para sa apat na nalalabing holidays ngayong taon.

Ayon sa abiso ng Comelec, sarado ang kanilang mga tanggapan sa buong bansa sa sumusunod na mga petsa:

– December 24 (Huwebes)
– December 25 (Biyernes)
– December 30 (Miyerkules)
– December 31 (Huwebes)

Sarado ang Comelec offices sa lahat ng uri ng transaksyon sa nasabing mga petsa.

Sa December 29, 2020 naman ang last day ng voter registration para sa kasalukuyang taon.

Habang sa January 4, 2021 muling magbabalik ang voter registration.

 

 

 

Read more...