Gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, higit 25,037 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,882 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, December 18.

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,097 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

25,037 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 746 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 21,918 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

 

Read more...