Central office ng DOLE sa Intramuros isinailalim sa lockdown; Undersecretary nagpositibo sa COVID-19

Pansamantalang isinara ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Office sa Intramuros, Maynila.

Ito ay makaraang isang undersecretary ng kagawaran ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Rolly Francia, DOLE-Information and Publication Service (IPS) director, isasailalim sa disinfection ang tanggapan ng DOLE.

Magbabalik ang normal na operasyon sa DOLE main office sa Lunes, Dec. 21.

Hindi naman tinukoy ni Francia kung sino ang DOLE Usec. na nagpositibo sa sakit.

 

 

 

Read more...