Mga menor de edad bawal na sa mga pampublikong lugar sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2020 - 12:41 PM

Bawal ba sa lahat ng pampublikong lugar sa Quezon City ang mga menor de edad.

Inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2985, S-2020 o ang “Quezon City Special Protection of Children against COVID-19” na nagbabawal sa lahat ng below 18 years sa mga public places kahit may kasama pa silang magulang o guardia.

Layunin nitong panatilihin sila sa mga bahay at maipairal ang “Children Protection Hours” o 24 hours a day, seven days a week.

Ipinasa ang ordinansa batay sa rekomendasyon ng Philippine Pediatric Society na nagsasabing malaki ang tyansang mahawa sa COVID-19 ang mga menor de edad.

“Ang Ordinansang ito ay batay sa rekomendasyon ng mga dalubhasa sa Philippine Pediatric Society na kailangang manatili ang mga menor-de-edad sa mga tahanan dahil malaki ang tsansa na sila’y mahawa,” ayon kay Belmonte.

Kabilang sa tinukoy na public places ay mga kalye, highway, sidewalks, parking lots, vacant lots, at common areas sa simbahan, apartment, buildings, office buildings, hospitals, schools, malls o shopping centers, commercial establishments at lugar ng entertainment gaya ng sinehan.

Inilatag naman ang sumusunod na exemptions:

– kung ang menor de edad ay gagawa ng authorized employment activity na nangangailangan physical presence pero dapat kasama ang magulang o guardian
– Kung mangangailangan ng medical attention o may medical/dental appointments pero dapat kasama ang magulang o guardian
– Mayroong international o domestic air/sea travel
– kailangang bumili ng essential goods
– may emergency situation gaya ng conflagration, earthquake, hospitalization, road accident, o iba pang sitwasyon na nangangailangan ng immediate action

Ang mga magulang o guardians ng mga menor de edad na lalabag ay pagmumultahin ng P300, P500 at P1,000 para sa first, second at third offenses.

 

 

 

 

TAGS: COVID-19, minor in public places, pandemic, quezon city, COVID-19, minor in public places, pandemic, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.