Anakalusugan Rep. Mike Defensor dismayado sa pagkakatanggal bilang chairman ng Public Accounts Committee
Naglabas ng sama ng loob si Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos matanggal bilang Chairman ng Committee on Public Accounts.
Si Defensor ay pinalitan bilang Chairman ng Public Accounts at ipinalit si Probinsyano Ako Partylist Rep. Bonito Singson na bahagi ng minorya.
Sa isang mensahe sinabi ni Defensor na hindi man lang sinabi sa kanya ni Speaker Lord Allan Velasco ang pagalis sa kanya sa pwesto gayong nagkaroon pa siya ng pulong kay Speaker kung saan nakiusap pa ito na ipagpaliban muna ng komite ang pagdinig hanggang Enero ng susunod na taon.
Hindi naman aniya siya papalag sa pagtanggal sa kanya sa pwesto kung may respeto sana ang pagtrato sa kanya.
Matatandaan naman na sinabi noon ni Minority Leader Joseph Stephen Paduano na batay sa tradisyon ay ibinibigay talaga sa Minorya ang Chairmanship sa Public Accounts dahil sila sa oposisyon ang nagbabantay sa audit report ng performance ng mga ahensya ng pamahalaan at kung nagagamit nito ng tama sa mga proyekto ang appropriations o pondo na inaprubahan ng lehislatura.
Sa ginanap ding rigodon bago ang Christmas break sa Kamara ay umakyat na sa 32 ang mga Deputy Speakers na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.