(updated) Inilagay na sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa pagtaas ng antas ng tubig nito bunsod ng nararanasang pag-ulan nitong nagdaang mga araw.
Sa pinakahuling update ng Pagasa Hydrology Division, nasa 79.68 meters ang water level sa La Mesa dam, na malapit na sa 80.15-meter spilling level nito.
Nagbabala na rin ang Pagasa sa mga residente malapit sa Tullahan River na maaring maapektuhan sakaling umapaw ang dam.
Kabilang sa mga lugar na maapektuhan sa sandaling umapaw ang La Mesa dam ay ang mga Barangay sa Novaliches, Quezon City, Caloocan, Valenzuela City at Malabon.
Samantala, sa monitoring ng Pagasa sa iba pang mga dams sa bansa, lahat ay nakapagtala ng pagtaas sa nakalipas na magdamag.
Ayon kay Pagasa Hydrologist Ronalyn Macalalad, ang Angat dam ay nasa 169.94 meters na ngayon na mas mataas ng 0.32 meters kumpara sa 169.62 meters na level nito kahapon.
Ang Ipo dam naman 100.94 meters ngayon, tumaas lang ng 0.40 meters sa 110.54 meters na level kahapon. Ayon kay Macalalad, nagpaabiso na ang pamunuan ng Ipo Dam na posibleng magbukas sila ng gate ngayong araw.
Sa Ambuklao Dam, 748.50 meters na ang water level, mas mataas kumpara sa 747.77 meters kahapon.
Ang iba pang mga dams sa bansa ay nakapagtala din ng pagtaas sa nakalipas na magdamag pero malayo pa naman sa spilling level ng ga ito.
Kabilang dito ang Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.