Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 225,000 pa; mahigit 3,000 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 17.6 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 225,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 17,621,772 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 10.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 3,200 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 317,697 na.

 

 

Read more...