BPLO transactions sa Muntinlupa City suspendido mula Dec. 21 hanggang Dec. 23

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2020 - 09:48 AM

Sususpindihin ng tatlong araw ang lahat ng uri ng transaksyon sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa Muntinlupa City.

Sa abiso ng Muntinlupa City LGU, suspendido ang mga transaksyon sa BPLO mula December 21 (Lunes) hanggang sa Dec 23, 2020 (Miyerkules).

Ito ay dahil maghahanda ang LGU para sa paglilipat ng operasyon sa Business Permit Renewal Hub na nasa Muntinlupa Sports Center sa Brgy. TUnasan.

Inaasahan kasing dadagsa ang aplikasyon para sa Business Permit Renewal sa susunod na taon.

Lahat ng BPLO transactions ay mag-reresume na sa Dec. 28, sa bagong venue.

 

 

 

TAGS: bplo, BPLO operations, Breaking News in the Philippines, business permit renewal, Inquirer News, Muntinlupa City, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bplo, BPLO operations, Breaking News in the Philippines, business permit renewal, Inquirer News, Muntinlupa City, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.