P26-M na halaga ng ayuda ipinagkaloob ng Pitmaster Foundation sa mga sinalanta ng bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2020 - 08:53 AM

Bagaman unti-unti nang nakakabangon ang mga lugar na tinamaan ng magkakasunod na bagyong Rolly at Ulysses sa Luzon, tuluy-tuloy lang ang pagpapaabot pa rin ng tulong ng isang foundation sa mga naapektuhang pamilya.

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, ng Pitmaster Foundation Inc., aabot sa higit P21 milyon ang naiparating na sa mga LGU ng Cagayan, Isabela at NCR noong Nobyembre at ngayong Disyembre.

“Layunin lang po namin na makatulong sa mga LGUs hanggang sa muling makatayo sa sarili nilang mga paa ang kanilang mga constituents na pinadapa ng magkakasunod na kalamidad,” ani Atty. Cruz.

Daan-daang sako at mga kahon ng mga pagkain ang inihatid ng Pitmaster Foundation sa Cagayan at Isabela, at maging sa ilang lungsod sa Metro Manila, kabilang na ang Marikina, nitong nagdaang mga araw.

Unang ipinamahagi ang mga pagkain at hygiene kits sa Isabela at Cagayan noong Nobyembre na umabot sa P15 milyon ang halaga.

Sinundan pa ito ng pamamahagi muli ng relief goods ng Pitmaster sa NCR na aabot naman sa P6 milyon noong unang linggo ng Disyembre.

Sumama rin ang aktor na si Arjo Atayde sa pag-turn over ng mga relief goods at food packs sa lalawigan.

Pinaghahandaan na rin ng Pitmaster ang pamamahagi ng mga noche buena baskets sa mga LGU sa darating na linggo para sa mga mahihirap na kababayan.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Pitmaster Foundation, Radyo Inquirer, Relief operations', RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssesPH, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Pitmaster Foundation, Radyo Inquirer, Relief operations', RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.