Yellow heavy rainfall warning nakataas sa Aurora, Isabela at maraming lalawigan sa Visayas

Maraming lalawigan sa bansa ang patuloy na nakararanas ng pag-ulan dulot ng bagyong Vicky at northeast monsoon.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, Dec. 18, yellow warning ang nakataas sa Dilasag, Casiguran, Dinalungan at Dipaculao sa Aurora at sa Dinapigue, Isabela.

Nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Maria Aurora, Baler at San Luis, Aurora; Nagtipunan, Maddela, Aglipay, Cabarroguis, Saguday at Diffun sa Quirino; San Mariano, Palanan, Benito Soliven, Cauayan City, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Echague, Jones at San Agustin sa Isabela; Alfonso, Castañeda, Dupax del Norte at Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya.

Samantala, madaming lalawigan pa din sa Visayas ang patuloy na nakararanas ng pag-ulan dahil sa Tropical Depression Vicky.

Yellow warning ang nakataas sa Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at sa Southern Leyte.

 

 

 

 

Read more...