Inirekomenda ng advisory panel ng US Food and Drug Administration ang paggamit sa Moderna vaccine.
Sa botong 20-0 at isang abstention, nagpasya ang mga miyembro ng Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee ng US FDA na paburan ang emergency use para sa bakuna.
Inaasahan namang agad maglalabas ng authorization ang US FDA ara sa Moderna COVID-19 vaccine.
Ibig sabihin, sa susunod na linggo maaring mai-roll out na din ang pagbabakuna gamit ito.
Ang Moderna vaccine ay mayroong 94 percent na efficacy rate gaya ng sa Pfizer.
Pero ang Pfizer ay nangangailangan ng ultra-cold temperatures na storage.
Habang ang Moderna vaccines naman ay pwede na sa standard freezer temperatures.