Dalawang hinihinalang holdaper, nasawi sa engkwentro sa mga pulis sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2020 - 07:45 AM

Dalawang hinihinalang holdaper ang patay matapos na maka-engkwentro ang mga pulis sa bahagi ng Sauyo Road, Quezon City.

Nangyari ang engkwentro pasado alas 3:00 ng madaling araw.

Nangholdap ng taxi driver ang mga suspek at natyempuhan sila ng mga tauhan ng QCPD Special Operations Unit.

Sa kwento ng driver ng Charles Mae Taxi na may plate number UVH 765, pinara siya ng mga suspek sa bahagi ng Batasan Hills dakong ala 1:00 ng madaling araw.

Pero pagsapit nila sa Fairview General Hospital, nagdeklara ng holdap ang mga suspek, pinababa siya ng taxi at saka tinangay ang sasakyan.

Nakapagsumbong agad sa pulis ang driver ng taxi.

At nang mamataan ang taxi sa bahagi ng Sauyo Road ng mga tauhan ng QCPD, pinara nila ito, subalit nagpaputok ang mga suspek.

Agad gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng dalawa.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, crime, encounter, Inquirer News, Philippine News, quezon city, Radyo Inquirer, sauyo road, suspect, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, crime, encounter, Inquirer News, Philippine News, quezon city, Radyo Inquirer, sauyo road, suspect, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.