Panama-flagged cargo ship tumaob sa karagatan ng Vietnam, 15 ang nawawala

Pinaghahanap pa ang 15 crew ng isang Panama-flagged cargo ship makaraang tumaob ito sa karagatang sakop ng Vietnam.

Nangyari ang insidente sa central province na Binh Thuan habang naglalayag ang barko galing Malaysia patungong Hong Kong.

Lulan ng barko ang 11 Chinese crew at 4 na Vietnamese crew.

Nagpadala na ng rescue team ang Vietnam kabilang ang isang coast guard vessel para magsagawa ng search and rescue operations.

 

 

 

 

 

Read more...