Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa maraming lugar sa Visayas
Inuulan na ang maraming lalawigan sa Visayas dahil sa tropical depression Vicky.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 6:18 ng umaga ngayong Biyernes, Dec. 18 yellow warning na ang umiital sa sumusunod na lalawigan:
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Cebu
– Bohol
– Negros Oriental
– Negros Occidental
Babala ng PAGASA maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Pinapayuhan ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council concerned na gumawa na ng karampatang mga hakbang at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.