Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras
Makararanas ng pag-ulan dulot ng northeast monsoon sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Bieyrnes, Dec. 18 mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Maynila; mga bayan ng Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Famy, Kalayaan, Lumban, Santa Rosa, at Cabuyao sa Laguna; mga bayan ng Naic, Trece Martires, Tanza, Maragondon, at Ternate sa Cavite; mga bayan ng JalaJala, Cardona, at Binangonan sa Rizal, at sa bayan ng Real, at Mauban sa Quezon.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.