Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,168 na


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Huwebes (December 17, nasa 5,168 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 4 ang nadagdag.

Walang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay 165 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 62 kung saan 3 ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,395 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

Read more...