Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-8:38 gabi ng Huwebes (December 17).
May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.2 na yumanig sa lugar noong December 16.
MOST READ
LATEST STORIES