Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Huwebes,December 17) nasa 4,823 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 42.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay 165 na.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 5,030

Samantala ang bilang ng probable ay 256 habang 45 naman ang suspected.

Read more...