Bank Secrecy Law, dapat luwagan-Economists

March 28, 2016 - 04:31 AM

 

currencies-moneyHiniling ng ilang mga ekonomista na luwagan ang pagpapatupad ng ‘Bank Secrecy Law’ at palakasin pa ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) upang hindi na makapasok pa ang mga tinaguriang ‘dirty money’ sa bansa.

Ang panawagan ng mga kasapi ng Foundation for Economic Freedom o FEF, isang grupong nagsusulong ng good governance ay sa gitna ng kontrobersyal na pagpasok sa bansa ng malaking halaga ng pera mula sa Bank Of Bangladesh noong nakaraang buwan.

Ang naturang halaga ay nagawang maipuslit at malinis gamit ang Philippine financial system at ilang mga casino sa bansa.

Paliwanag ng FEF, kinakailangang madagdagan pa ang ngipin ng batas at matiyak na may makakasuhan sa ganitong uri ng krimen sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.

Giit ng grupo, nalalagay sa alanganin ang buong financial system ng bansa kung hindi magagawang maungkat ng mga otoridad ang mga kinakailangang banking records dahil sa umiiral na batas ukol sa ‘bank secrecy’.

Kung mapapaluwag anila ang ilang probisyon ukol sa ‘bank secrecy’, magdadalawang-isip na ang mga kriminal na itago ang kanilang mga yaman sa Pilipinas.

Nais din ng FEF na amyendahan ang AMLA upang masaklaw nito ang mga casino upang hindi na ito magamit sa money-laundering activities ng mga kriminal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.