BOC nakapag-release na ng 15,410 PPE shipments


Nakapag-release na ang Bureau of Customs (BOC) ng 15,410 na personal protective equipment (PPE) shipments.

Dalawang shipments ng PPE ang dumating Miyerkules, December 16 na agad nairelease ng Customs.

Simula naman noong December 11 hanggang 13 ay walang bagong shipments ng PPE na natanggap ang Customs pero noong December 14 at 15 ay nakatanggap ang kawanihan ng 10 na agad din namang nairelease.

Magugunitang mula March 9, 2020 ay tinitiyak ng BOC ang same-day release sa mga PPE shipments at iba ang kargamento na kailangan sa pagtugon ng bansa pandemic ng COVID-19.

Read more...