16 na pangalan kabilang sa napipisil ng publiko na maging susunod na pangulo

Hindi lamang limitado ang bilang ng mga napipisil na maging susunud na pangulo ng bansa, kung pagbabatayan ang report ng isang campaign management consultancy firm na nagsasagawa ng isang data analysis sa presenya ng mga posibleng presidentiables sa mga botante ay 16 ang matunog na mga pangalan.

Ayon kay Eero Brilliantes, CEO ng Blueprint.PH (www.blueprint.ph) lumabas sa kanilang data analysis base sa social media networking activities nais ng publiko na kumandito sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, Bong Go, Risa Hontiveros, Grace Poe, Ramon Ang, Chel Diokno, Sara Duterte, Alan Peter Cayetano, Tito Sotto, Jonvic Remulla, Pia Cayetano, Bongbong Marcos, Manny Villar, Lucy Torres – Gomez at Isko Moreno.

“If we go by our big data metrics, about 16 names are frequently being mentioned on social media, particularly Facebook, as potential presidential candidates. All have paths to the presidency. Social media networking activities alone through Facebook can generate 22%-35% of the votes in 2022.” paliwanag ni Brilliantes na syang may akda ng librong “Campaign Management for Politics and Social Change”.

Aminado si Brilliantes na ang social media ay major battleground sa 2022 election kung saan ang impluwensya nito ay maaaring makapag-translate ng boto ng hanggang 35%.

Sa analysis na ginawa ng Blueprint.PH lumilitaw na pagsuporta ng publiko sa 16 na posibleng presidentiables ay hindi nakaugnay sa kung ano ang kinaaanibang partido o katagalan na nito a mundo ng pulitika bagkus ang nakukuhang suporta sa publiko ay dahil nakikita ang kanilang ginagawa at kinagigiliwan ito.

Sa kasalukuyan, dalawang pangalan ang maaaring makipagtambalan sa kahit sino sa labinglima na matuturing na pinakamalakas ang potential na hatak na boto sa social media.

Sa kategoryang malakas ang pagbanggit ng pangalan sa mga mainstream media sa kanilang Facebook accounts, lumalabas ang sumusunod na ranking sa pangunguna ni Robredo at sinundan nila sinundan nila Pacquiao, Moreno, Hontiveros, Duterte, Marcos, Go, Sotto, Diokno, Ang, Alan Cayetano, Poe, Pia Cayetano, Remulla, Villar, at Torres-Gomez.

Pagdating naman sa pagbanggit sa mga pangalan mula sa mga influencers ay nanguna si Moreno at sinundan nila Robredo, Go, Pacquiao, Duterte, Marcos, Remulla, Hontiveros, Sotto, Poe, Pia Cayetano, Diokno, Torres-Gomez, Alan Cayetano, Ang, at Villar.

Ang pinakamalaking potensyal naman ng paghango ng boto sa pamamagitan ng mga personalisad na may malakas na Facebook engagement kahit maliit ang bilang ng followers ay pinangunahan ni Torres-Gomez at sinundan nila Ang, Remulla, Hontiveros,Villar, Duterte, Moreno, Pacquiao, Diokno, Robredo, Marcos, Go,Sotto, , Alan Cayetano, Pia Cayetano, at Poe.

Ang study analysis na ginawa ng Blueprint.PH ay base sa nakuhang social media data mula June 1, 2020 hanggang November 30, 2020 kung saan sinuri ang may 344,761,479 data points na nasa Facebook.

“The process measured the preconceived opinion of the potential voters that were formed before official filing and measured the stability of each name’s perceptions with potential voters. This framework did not specifically differentiate probable event-based factors but measured the impact these events had on the names as they roughly shifted in perception, and exposure” paliwanag ni Brilliantes.

Ang ginawang computation ng management firm ay nakaangla sa formula na ginagamit sa mga eleksyon sa ibat ibang bansa sa Asya, katuwang ng BluePrint.Ph sa nasabing data analysis ang foreign partner firm nito na Singapore-based Data Mining and Artificial Intelligence.

Iginiit ni Brilliantes na sa kanilamg analysis malinaw na ang 16 ay mayroon nang suporta mula sa publiko, ang kailangan na lamang nito ay maayos at tuloy tuloy na stratehiya para maging wimnable dahil kumbinsido ang publiko sa kanilang potensyal.

Read more...