General Manager ng Mactan-Cebu International Airport Authority sinuspinde ng Ombudsman

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 04:24 PM

Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang general manager ng Mactan-Cebu International Airport Authority.

Kaugnay ito mga alegasyon laban kay Steve Dicidcan na pinayagan niyang mag-manage ng paliparan ang ilang dayuhan.

Batay sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman noong December 14, si Dicdican ay inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sa desisyon, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na para maiwasan ang posibilidad na pag-tamper ng mga ebidensya, pangha-harass sa testigo, at paggamit ng impluwensya ay minabuting suspindhin muna si Dicdican habang siya ay isinasailalim sa imbestigasyon.

Dagdag ni Martires, base sa rekord ng reklamo, malakas ang ‘evidence of guilt’ laban sa opisyal.

Batay sa reklamo ng NBA noong 2014, nag-perform ng managerial at executive functions sa MCIA si Andrew Acquaah-Harrison na chief executive ng GMR Megawide Cebu Airport Corporation.

 

 

 

 

 

TAGS: Mactan-Cebu International Airport Authority, NBI, Office of the Ombudsman, preventive suspension, Mactan-Cebu International Airport Authority, NBI, Office of the Ombudsman, preventive suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.