Cityhood ng Calaca, paghati sa 2nd district ng Rizal itinutulak ni Sen. Tolentino

By Jan Escosio December 17, 2020 - 12:50 PM

Isinusulong ni Senator Francis Tolentino ang reapportion ng 2nd district ng Rizal gayundin ang pagiging component city ng bayan ng Calaca sa Batangas.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Tolentino na matagal ng ‘unrepresented’ ng mga mamamayan ng Rizal sa kabila ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng lalawigan.

Paliwanag ng senador layon ng panukala na hatiin ang 2nd district ng Rizal para makabuo pa ng dalawang distrito.

Mananatili sa 2nd district ang mga bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-Jala, Pililia, at Teresa.

Samantala, ang bayan ng San Mateo ang magiging 3rd legislative district at ang bayan naman ng Rodriguez ang magiging 4th legislative district.

Naniniwala si Tolentino na sa hakbangin mas mapapagbuti din ang pagbibigay serbisyo sa mga taga-Rizal gayundin ang pagbangon mula sa epekto ng kasalukuyang pandemya.

Samantala, si Tolentino din ang nag-sponsor ng cityhood ng Calaca at pasok na ito sa requisites na nakasaad sa Local Government Code

Aniya ang taunang income ng Calaca ay P164,961,000 na higit sobra sa nakatakdang P100 milyon.

 

 

 

TAGS: Batangas, Breaking News in the Philippines, calaca, Francis Tolentino, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Breaking News in the Philippines, calaca, Francis Tolentino, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.