Pilipinas hindi nakakuha ng katiyakan para sa 10 million doses ng Pfizer vaccine – Duque
Hindi nakakuha ng katiyakan ang Pilipinas mula sa US pharmaceutical firm na Pfizer para pagsu-suplay ng 10 doses ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ito ni Health Secretary Francisco Duque III matapos mapirmahan ang Confidential Disclosure Agreement.
Ginawa ni Duque ang pahayag matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na nabigo si Duque na isumite ang documentary requirements para sa pagde-deliver ng 10 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.
Ayon kay Duque walang napag-usapan tiyak na dami ng suplay.
Una nang itinanggi ni Duque na may nagpabaya kaya ang suplay ng bakuna na dapat para sa Pilipinas ay napunta na sa Singapore.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.