Health protocol nilalabag mismo ng house leaders

Exposed sa COVID 19 virus ang ilang leaders ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary- General Dong Mendoza subalit hindi nito sinusunud ang mandatory health protocol.

Ayon sa report, may exposure sina Velasco, Romero, Aglipay at Mendoza kay Tesda Director Isidro Lapeña nang makasama nila ito sa isang pagtitipon kasama ang mga alumni ng Philippine Military Academy(PMA) subalit hindi naman ito nagself-quarantine bagkus ay dumadalo pa sa mga hearing sa Kamara na maaring malagay sa kumpormiso sa kanilang mga staff at iba pang kapwa mambabatas.

Una nang kinumpirma ni Sen Joel Villanueva na nagpositibo sa COVID 19 si Lapeña, aniya,Biyernes, Nobyembre 20,nang dumalo si Lapeña ng Senate Hearing at kinabukasan, Nobyembre 21 ay nakuha nito ang kanyang positive result sa virus.

Dahil expose si Villanueva kay Lapeña kaya kasalukuyan itong nakaself- quarantine habang nanawagan din ito sa mga staff at iba pa sa Senado na nagkaroon ng close contact na gumawa ng kahalintulad na hakbang.

Sa kabilang banda, sa Facebook post ni Romero ay makikitang Nobyembre 19 nang makaharap ng mga House Leaders si Lapeña sa isang dinner sa Shangrila Fort Bonifacio kasama sina dating PNP Chief Egay Aglipay, DND Secretary Gen. Delfin Lorenzana, Seretary Gringo Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, Hermogenes Esperon at Carlito Galvez at DSWD Secretary Sec. Rolando Bautista, sa kabila ng anunsyo na nagpositibo sa virus si Lapeña ay hindi naman nag-obserba ng health protocol ang apat.

Matapos kumalat sa Kamara na may exposure sina Velasco at Romero kay Lapeña ay ilang kawani ang nangangamba din sa kanilang kalusugan.

“sila may pera kung dapuan sila ng virus pero paano naman kami, nakakalungkot na sila mismo ang hindi sumusunud sa health protocol at mga mangagawa ang maaaring maexpose sa kanila”pahayag ng isang staff na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Walang kumpirmasyon ang Kamara subalit sinasabing nagspositibo din sa virus si ACT CIS Partylist Rep Niña Taduran, nabatid sa isang source na noong nakaraang Lunes, Nobyembre 16 nang magpaswab test si Taduran ngunit noong Biyernes, Nobyembre 20 lamang nakuha ang test result, sa pagitan nito ay palagian ang pagdalo ng lady solon sa mga hearing.

Nanawagan ang mga kawani ng Kamara kay Velasco na paigtingin ang ipinatutupad na protocol laban sa COVID 19, binatikos ng mga empleyado ang masyado relax na pagsunud sa guidelines sa ilalim ng bagong House Leadership dahil hindi sila naabisuhan na nagpositibo sa virus si Taduran kaya ang mga naging close contact nito ay maaaring nakapaghalubilo pa sa iba at hindi nakapagself quarantine.

Read more...