TRB officials pinagre-report ngayong araw ni Pangulong Duterte sa DOTr

By Chona Yu December 17, 2020 - 11:15 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Toll Regulatory Board na mag-report ngayong araw kay Transportstion Secretary Arthur Tugade.

Ito ay para solusyunan ang problema sa North Luzon Expressway at sa Radio Frequency Identification o RFID.

Ayon sa pangulo, kung hindi tatalima ang mga taga-RFID, mas makabubuting kumuha na lamang si Tugade ng isang militar para magplano.

Pinasasagasaan din ng pangulo kay Tugade ang mga taga-NLEX kung hindi pa maayos ang gusot sa RFID.

Nakadidismaya ayon sa pangulo dahil
nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko dahil sa ipinatupad na RFID system.

Nakagagalit ayon sa pangulo na dahil sa ilang incompetent na opisyal, nagmumukhang inutil ang kanyang administrasyon.

Banta ng pangulo sa mga taga TRB, isa pang kapalpakan tiyak na masisibak na silang lahat.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, rfid, Tagalog breaking news, tagalog news website, trb, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, rfid, Tagalog breaking news, tagalog news website, trb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.