LOOK: Sitwasyon sa Toll Plazas sa Valenzuela City nag-mistulang holiday; walang traffic dahil nakataas ang barriers

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 10:18 AM

Aakalain mong regular holiday ngayong araw sa sitwasyon ng daloy ng traffic sa mga toll plaza ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City.

Sa mga ibinahaging larawan sa Facebook ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, walang build up ng mga sasakyan sa mga toll plaza ng NLEX na sakop ng lungsod.

Ito ay kahit sa kasagsagan ng rush hour.

Ayon kay Gatchalian, bunsod ito ng napagkasunduan ng NLEX Corp. at ng LGU na itaas ang mga barriers sa RFID lanes.

“Taken just now…This is what Barriers Up can do….Akalain mo holiday diba? Rush hour pics yan ng mga nlex toll plazas sa Valenzuela,” ayon sa alkalde.

Magugunitang binawi na ni Gatchalian ang suspensyon na ipinataw sa business permit ng NLEX kapalit ng ilang kondisyon.

Kasama sa kondisyon ang pagtataas ng mga barrier para maiwasan ang build up ng mga sasakyan sa toll plazas.

 

 

 

 

 

TAGS: barriers, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, NLEX, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toll plaza, Valenzuela City, barriers, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, NLEX, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toll plaza, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.