Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 21,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,954,769 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 9.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 328,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 300 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 144,487 na.
READ NEXT
Tom Cruise nagwala sa shooting ng Mission Impossible; mga crew pinagmumura dahil sa hindi pagsunod sa COVID-19 safety protocols
MOST READ
LATEST STORIES