Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 75 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-8:44 umaga ng Huwebes (December 17)

Ang pagyanig ay lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin.

Ito na ang ikalawang may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Davao Oriental ngayong Huwebes, Dec. 17.

Kaninang alas 5:44 ng umaga naitala din ang magnitude 4.1 na lindol sa Governor, Generoso sa nasabing lalawigan.

 

 

 

Read more...