Tom Cruise nagwala sa shooting ng Mission Impossible; mga crew pinagmumura dahil sa hindi pagsunod sa COVID-19 safety protocols

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 09:16 AM

Hindi napigilan ng aktor na si Tom Cruise ang kaniyang galit sa set ng bagong “Mission: Impossible” movie dahil sa kabiguan ng mga crew na sumunod sa COVID-19 safety protocols.

Lumabas sa media ang recorded na boses ng galit na galit na aktor habang sinisigawan niya at pinagmumura ang mga crew.

Ayon kay Cruise, dapat alam ng mga crew ang kanilang responsibilidad kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.

Magugunitang noong Pebrero, hindi na natuloy ang shooting para sa ikapitong “Mission: Impossible” dahil sa COVID-19.

Nag-resume ang shooting nito noong Setyembre, at ang mga lugar ay sa Italy, Norway at London.
Sa November 2021 ang target na maipalabas ang pelikula.

“We want the gold standard. They’re back there in Hollywood making movies right now because of us! Because they believe in us and what we’re doing,” batay sa pahayag ni Cruise sa nag-leak na audio tape.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, Mission Impossible, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tom Cruise, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, Mission Impossible, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tom Cruise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.