5 nalunod sa Negros sa Pasko ng Pagkabuhay

By Inquirer Visayas, Jay Dones March 28, 2016 - 12:36 AM

 

Mula sa Google Maps

Lima katao ang napaulat na nasawi makaraang malunod sa isang beach resort sa bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental kahapon, Easter Sunday.

Sa inisyal na report na nakarating sa Philippine Coast Guard-Bacolod, nagana pang trahedya sa Paradiso Beach Resort sa naturang bayan dakong alas 3:00 ng hapon.

Ayon kay Lt. Commander Ramil Palabrica, pinuno ng PCG-Bacolod, tinangay ng malakas na alon ang pitong magkakaibigan habang naliligo sa dagat.

Dalawa sa mga magkakaibigan ang maswerteng nakaligtas ngunit hindi na naisalba pa ang limang biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.