Yellow heavy rainfall warning nakataas sa pa rin sa ilang bahagi ng Apayao at Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 08:54 AM

Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 7:57 ng umaga ngayong Huwebes, December 17, yellow warning ang nakataas pa rin sa bayan ng Calanasan at Luna sa Apayao at sa mga bayan ng Baggao, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.

Babala ng PAGASA sa mga residente ang nararanasang pag-ulan maaring magdulot ng flashflood sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Gattaran at Peñablanca Cagayan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang nararanasan sa Allacapan, Aparri, Buguey, Camalanuigan, Lallo, Santa Teresita, Solana at Tuguegarao City sa Cagayan; at sa mga bayan ng Divilacan, Maconacon at San Pablo sa Isabela.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng northeast monsoon.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, isabela, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning, Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, isabela, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.