Lingguhang Subsidy ng mga driver na nakasailalim sa service contracting program ibibigay sa pamamagitan ng Landbank
Magsisimula nang makatanggap ng kanilang subsidiya ang mga driver ng jeep at bus na nakasailalim sa Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang LTFRB ay nagtalaga ng halaga para sa kada kilometro na itatakbo ng isang Traditional at Modern Public Utility Jeepney (PUJ) o Public Utility Bus (PUB) na kasali sa programa.
Ang nasabing halagang ibabayad sa mga driver ay base sa mga ginawang pag-aaral bago ilunsad ang programa.
Ang matatanggap na payout ng mga driver sa pagsali sa naturang programa ay ipapamahagi ng ahensya kada linggo.
Ang payout ay matatanggap ng mga driver sa kanilang mga account sa Landbank of the Philippines (LBP) sa pamamagitan ng operators, kooperatiba o bus company.
Para sa mga Traditional PUJ driver, matatanggap ang bayad direkta sa kanilang LBP account o E-Wallet account.
Kapag walang Landbank account, maaari ring makuha ang initial subsidy at lingguhang payout sa pamamagitan ng mga account sa PayMaya at GCash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.