Tagle, magiging unang Filipino cardinal na mangunguna ng Simbang Gabi mass sa Roma

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 07:53 AM
CBCP photo

Mangunguna sa Simbang Gabi mass si Cardinal Luis Tagle sa Basilica di Santa Maria Maggiore sa Roma sa December 20.

Si Tagle ang magiging kauna-unahang Filipino cardinal na mamumuno ng misa para sa Simbang Gabi sa Roma.

Gaya ng kasalukyang umiiral na COVID-19 restrictions, lilimitahan lamang ang papayagang makadalo sa nasabing misa.

Ayon kay Sentro Pilipino Chaplaincy priest, Fr. Ricky Gente, 200 katao ang pinapayagang makapasok sa Basilica di Santa Maria Maggiore.

Upang ma-accommodate ang mas marami, bubuksan din ang Basilica di Santa Pudenziana sa dagdag na 70 katao.

May white screen din kung saan doon ipakikita ang misa.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Cardinal Tagle, Church, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rome, simbang gabi mass, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Cardinal Tagle, Church, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rome, simbang gabi mass, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.