Pagbabakuna kontra COVID-19 sisimulan na sa Germany
Sa susunod na linggo magsisimula nang magbakuna kontra COVID-19 sa Germany.
Gamit ang Pfizer-BioNTech vaccine, uunahing bigyan ng bakuna ang mga may edad na nasa care homes simula sa December 27.
Ayon sa Berlin city government, inihahanda na ang roll out ng bakuna sa 16 na estado.
Inaantabayanan na lamang ang pag-apruba ng European Medicines Agency (EMA) sa bakuna na inaasahan sa December 21.
Noong Miyerkules, umabot sa 952 ang nasawi sa COVID-19 sa Germany at ito na ang pinakamataas na single-day death toll sa nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.