LPA sa loob ng bansa magpapaulan na sa bahagi ng Mindanao at Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 06:04 AM

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 820 kilometers East ng Davao City.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA, pero ang trough nito ay magpapaulan na sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, SOCCSKSARGEN at Davao Region ay makararanas ng makulimlim na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Maulap na papawirin din ang mararanasan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region dahil sa northeast monsoon.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil din sa northeast monsoon.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral dahil sa localized thunderstorms.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.