Magnitude 4.1 na aftershock naitala sa Sarangani, Davao Occidental

December 17, 2020 - 05:05 AM


Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, alas-4:51 umaga ng Huwebes (December 17) at may lalim na 12 kilometers

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.2 na lindol sa lugar na naganap kahapon, Miyerkules December 16.

Nauna nang niyanig ng magnitude 3.5 at 3.7 na lindol ang lugar kaninang ala-1:55 at alas-3:07 ng umaga.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng mga pagyanig.

TAGS: aftershock, Davao Occidental, lindol, pagyanig, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake, Sarangani, aftershock, Davao Occidental, lindol, pagyanig, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.