Yellow heavy rainfall warning nakataas sa ilang bahagi ng Apayao at Cagayan
Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan at Apayao.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes, December 17, yellow warning na ang nakataas sa bayan ng Calanasan at Luna sa Apayao at sa mga bayan ng Baggao, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.
Babala ng PAGASA sa mga residente ang nararanasang pag-ulan maaring magdulot ng flashflood sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.
Samantala nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Camiguin Island, Kabugao, Apayao; mga bayan ng Gattaran at Santo Niño sa Cagayan; at sa bayan ng Divilacan at Maconacon sa Isabela.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng northeast monsoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.