MRT-3 balik sa normal na operasyon ngayong umaga matapos magkaproblema kagabi

Balik na sa fill operations ang MRT-3 ngayong umaga ng Huwebes (Dec. 17).

Ito ay makaraang magka-aberya sa biyahe ng mga tren kagabi.

Nagpatupad kagabi ng provisional service sa MRT-3 at ang biyahe ay naging limitado lang sa North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station at pabalik.

Ngayong umaga sinabi ng MRT-3 na naiayos na ang problema at nakabibiyahe na muli ang mga tren sa buong linya.

Alas 5:00 ng umaga agad nai-deploy ang unang pitong tren.

 

 

Read more...