Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.
Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, December 15), nadagdagan ng 67 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 12,698.
Sa nasabing bilang 437 ang active cases.
Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 480.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 13,615 na.
MOST READ
LATEST STORIES