Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 nadagdagan pa – DFA

By Mary Rose Cabrales December 17, 2020 - 12:10 AM

Nadagdagan pa ng 84 ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Miyerkules, December 16), nasa 12,530 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,597 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nasa 8,071.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 862 na.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,621 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,590 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,544 naman kaso ang sa Europe at 775 sa Americas.

TAGS: coronavirus, COVID-19, DFA, Health, healthCOVID-19, OF, Overseas Filipinos, coronavirus, COVID-19, DFA, Health, healthCOVID-19, OF, Overseas Filipinos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.