Opisyal ng DepEd, patay sa ambush ng riding-in-tandem killers

By Jan Escosio December 16, 2020 - 09:08 PM

Agad namatay ang isang district supervisor ng Department of Education o DepEd matapos tambangan sa President Quirino, Sultan Kudarat, umaga ng Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Abdul Kadir Sultan.

Sa paunang ulat, minamaneho ni Sultan ang kanyang Mitsubishi Adventure sa national highway pasado 9:00 nang harangin ito ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.

Agad pinaulanan ng mga bala ang sasakyan ng biktima, na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.

Sinabi ni Police Lt. Col. Joel Fuerte, spokesman ng provincial police office, ikinukunsidera na may kaugnayan sa trabaho ang pamamaslang sa biktima, gayundin ang personal na alitan.

TAGS: Abdul Kadir Sultan, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news, riding in tandem, Abdul Kadir Sultan, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.