Memo circular ng balik-biyahe ng provincial buses, hinihintay pa
Wala pang memorandum circular na naipapalabas ang LTFRB para sa muling pagbiyahe ng provincial buses.
Sinabi ni Homer Mercado, director ng South Luzon Bus Operators Asso. (SOLUBOA), magandang balita para sa kanilang mga bus operator ang anunsiyo ng gobyerno dahil aniya, halos 10 buwan ng walang trabaho ang kanilang mga driver at konduktor.
Ngunit aniya, kailangan maging malinaw sa ilalabas na memorandum circular ng LTFRB ang mga alintuntunin bago sila muling bibiyahe.
Nabanggit nito na sa kanyang pagkakaalam, ang mga ruta sa Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon lang muna ang bubuksan.
Apela lang ni Mercado sa Department of Transportation na magkaroon ng adjustments sa mga ruta para sa mas maayos na biyahe ng kanilang mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.