Isama ang mga manggagawa sa COVID-19 vaccination program – Sen. Villanueva

By Jan Escosio December 16, 2020 - 07:16 PM

Senate PRIB photo

Umapela si Senator Joel Villanueva sa gobyerno na isama ang mga manggagawa sa COVID-19 vaccination program.

Kasabay nito, ang apela ni Villanueva kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ikonsidera rin ang iba pang frontline service workers, gaya ng nasa transportation at logistics sector.

Gayundin aniya ang nasa food and retail sectors, construction and private security.

“Maliban po sa ating mga frontline service personnel tulad ng mga healthcare workers, pulis, at militar, nais makita ng ating mga manggagawa, lalo na po ang mga minimum wage earners, kung paano sila mabibigyan ng access sa bakuna,” sabi nito.

Binanggit nito na marami pa ring manggagawa ang nangangamba na magbalik-trabaho o maghanap ng trabaho sa kabila nang unti-unting pagbubukas na ng mga negosyo.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccination program, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sen. Joel Villanueva, covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccination program, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sen. Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.