26 katao, patay sa panahon ng Semana Santa ayon sa PNP
Dalawampu’t anim na katao ang namatay habang limampu’t lima ang sugatan noong panahon ng Semana Santa, batay sa Philippine National Police o PNP.
Ito’y mas mataas sa labing tatlong casualties na naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, sa kabila ng death toll at ilang mga insidente, masasabing generally peaceful ang Holy Week.
Sa mga nairekord na nasawi, tatlumpu’t pito ay dahil sa pagkalunod, vehicular accidents, shooting o pamamaril at bakbakan.
Tiniyak naman ni Mayor na nakadeploy pa rin ang mga tauhan ng PNP sa mga terminal lalo’t inaasahan ang pagbalik ng mga biyahero sa Metro Manila o sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.