“Be engines and drivers of economy’, panawagan ni Marcos sa new graduates
Hinimok ni Vice Presidential candidate at Senador Bongbong Marcos ang lahat ng mga bagong graduate ngayong taon na maging ‘drivers of the economy.’
Paliwanag ni Marcos, bagaman maituturing na malaking achievement ang makapagtapos ng pag-aaral, marapat umanong hamunin ng newly graduates ang kani-kanilang mga sarili hindi lamang maging breadwinners ng pamilya kundi maging ‘engines at drivers’ ng ekonomiya ng bansa.
Inihalimbawa nito na sa pamamagitan ng pagiging produktibo at propesyunal, ang graduates ay makakatulong sa bayan sa porma ng buwis, na kinalauna’y makakasuporta sa edukasyon ng bagong batch ng mga estudyante sa bansa.
Ani Marcos sa mga bagong tapos, ang kailangan lamang ay pataasin ang mga kakayahan at maghanap ng golden opportunities na mayroon.
At kung may sipag at magandang kapalaran, naniniwala si Marcos na makakamit ng mga graduate ang kani-kanilang dream jobs at careers hanggang sa maging produktibong mamamayan ng komunidad.
Kasabay nito, sinabi ng Senador na dapat maging handa ang graduates sa reyalidad at pagharap sa iba pang mga suliranin gaya ng national unemployment rate na 6 percent at 7 percent sa Metro Manila, habang 1/5 ang unemployed na college graduates.
Batay sa People Management Association of the Philippines o PMAP, 40 percent ng mga fresh college grads, na nasa 500 thousand hanggang 600 thousand, ay hirap sa pagkakaroon ng trabaho matapos ang graduation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.