Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 16), umabot na sa 452,988 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 24,873 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,156 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 5.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 21 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,833 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 425 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 419,282 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.