LOOK: Price range ng RT-PCR testing at test kits

Naglabas ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ng price range para sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing at test kits.

Layon nitong makakuha ang publiko ng de kalidad at murang pagsusuri alinsunod sa Administrative Order na nilagdaan noong November 24, 2020.

Kapag gagawin ang RT-PCR testing sa private laboratory, aabot sa P4,500 ang halaga ng reference (minimum) habang P5,000 naman sa cap (maximum).

Kung sa public laboratory, nasa P3,800 ang reference (minimun) at P3,800 rin sa cap (maximum).

Kabilang dito ang mga pasilidad na nasa ilalim ng public-private partnership agreement.

Maaaring mag-charge sa mga pasyente ang mga pasilidad sa COVID-19 testing ng mas mababa sa reference price ngunit kailangang manatili ang magandang kalidad ng serbisyo.

Hindi naman maaaring mag-charge ang mga pasilidad ng mas mataas sa itinakdang maximum price.

Read more...